Back to work na si Ate Vi

RESUME na ang Congress sessions next week ng ating mga Senador at Kongresista kaya’t malamang na nasa bansa na rin ang Queenstar for All Seasons and Batangas Governor Vilma Santos-Recto at asawang si Senador Ralph REcto mula sa halos dalawang linggong bakasyon sa bansang Thailand at Malaysia .

Kayod-kalabaw na naman tiyak ang kakaharaping trabaho ng mag-asawa lalo na si Ate Vi na bukod sa unang aasikasuhin ang mga problema ng kababayang nasasakupan sa Batangas, kanya ring isisingit ang shooting ng kanilang movie ni Kim Chiu, ang “The Healing” under Chito Roño.

Kung hindi kami nagkakamali, sa Batangas gagawin ang next shooting nito dahil noon pang kinu-conceptualize ang iskrip at istorya, rito sa Batangas sila nag-research dahil dito sa lalawigang ito mayaman o namamayagpag ang faith healing o ang pagpapagamot sa pamamagitan ng dasal o pagpapahid-pahid ng mga halamang gamot.

“Marami kasing healers sa Batangas. Kaya, apart from the research they did sa movie na ‘to, dito sila kumuha sa Batangas ng experience, na nagpapagaling ang mga sakit thru faith healing,” ani Ate Vi noong huli namin itong makausap bago ang kanilang Asian trip.

Kung dati raw ay sa Baguio City namamayagpag ang mga kuwentong faith healings, dito na raw ito nalipat sa Batangas.

Sa Sto. Nino, Lipa City ang karamihan sa location na kukunan sa The Healing dahil naglipana rito ang mga  healer.

When asked ang butihing gobernadora ng Batangas kung naniniwala ba siya sa faith healers? “Oo naman, kasi napagaling din ako niyan,” sey ni Ate Vi.

Noon daw bago pa siyang nanunungkulan sa Lipa, sinapian siya ng isang mahiwagang karamdaman.

Hindi maipaliwanag ng mga doktor kung ano ang sakit na dumapo sa kanya.

“Lumapit kami sa healers, may papel na idinikit sa area na may sakit, sa katawan ko. Himala, gumaling naman?” kuwento ni Ate Vi sa amin.

***

“DA BEST” ang nararapat na titulo para sa Christmas Station ID ng ABS-CBN, na atin nang napanood nitong nakaraang Huwebes, November 10, sa Kapamilya Network.

Ayon sa management, talaga naman daw “da best” ang pagdiriwang ng Pasko ng mga Pinoy saan man sa mundo kaya’t ipinagmamalaki ng mga Kapamilya stars ang tatak at tunay na diwa ng Paskong Pinoy sa inilunsad na Christmas Station ID.

Mga tradisyong Pinoy na Pinoy, mula sa lechon Cebu, bibingka’t puto, Misa de Gallo at nagkikislapang parol ang dala ng ABS-CBN Christmas station ID. Hindi lamang pagdiriwang sa Luzon, Visayas at Mindanao ang ipinamalas dahil sinulyapan din nito kung paano mag-celebrate  ang mga Pinoy sa United States, London sa Europe, sa Middle East at maging sa Tokyo, Japan.

Mga eksena, gaya ni Piolo Pascual na dadamayan ang isang kababayan sa Shibuya Crossing sa Tokyo, Japan, habang sina John Lloyd Cruz, Coco Martin, Kathryn Bernarno at Julia Montes ay sosorpresahin naman ang isang pamilyanng Pinoy sa Los Angeles, California.

Haharanahin naman ng world champion Jed Madela at ng unang “Star Power,” female pop Superstar Angeline Quinto with PGT season 2 winner Marcelito Pomoy ang isang Filipino community sa Los Angeles.

Ang sumulat ng Kapamilya station ID na “Da Best Ang Pasko ng Pilipino” ay si Robert Labayen, Creative Communications Managemant Head, habang ang musika ay mula kay Jimmy Antiporda ng Star Records. Ang umawit ng themesong ay ang 11 years old Fil-Canadian YouTube sensation Maria Aragon kasama angf University of the Philippines Concert Chorus along with more than hundreds of Kapamilya stars mula sa ABS-CBN Entertainment at News and Current Affairs, RNG tv personalities, ANC at DZMM anchors, Tambayan 101.9 deejays kasama ang mga kapamilya sa iba’t ibang Filipino communiteis worlwide.

Ang ABS-CBN Christmas station ID ay sabay ding ipalalabas sa Studio 23, Hero TV, Lifestyle Network, Velvet, Cinema One, DZMM TeleRadyo, ANC, Myx, Balls at maging abroad, sa TFC.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply