Bacteria ginagamit vs peste sa pananim

GUMAGAMIT na ngayon ang gobyerno ng bacteria bilang panlaban sa iba’t ibang uri ng peste sa pananim.

Bagama’t hindi karaniwan sa industriya ng pagsasaka, ibinalita ng isang opisyal ng Department of Agriculture (DA) nitong Martes na gumagamit na ngayon ang gobyerno ng bacteria bilang panlaban sa iba’t ibang uri ng peste sa pananim.

Sinabi ni Director Candida Adalla ng DA-Biotech Program Implementation Office na bahagi na ng integrated pest management program ng administrasyong Aquino ang pagsugpo sa mga peste ng palay, mais, at talong sa pamamagitan ng bacteria at iba pang maliliit na uri ng organismo.

Ayon kay Adalla, ang prosesong ito na biotechnology ay ligtas, natural at hindi nag-iiwan ng mapanganib na kemikal sa mga sakahan na tulad ng paggamit sa mga pestisidyo na may epekto sa kalikasan at kapaligiran.

Paliwanag ni Adalla, ang mga tanim na mais at talong na may taglay na Bacillus thuringiensis o “Bt” ay naglilikha ng isang uri ng protina na nakalalason lamang sa ilang partikular na insekto na gaya ng “borer”
na isang uri ng peste.

“Ang toxin (lason) na nasa Bt eggplant ay panlaban sa peste at hindi sa mga tao,” giit ni Adalla.

Dahil umano sa Bt corn, ito’y mas may resistensya laban sa mga peste ay tumaas ang ani ng mais sa bansa.

Tiniyak din ng opisyal na ang kanilang paggamit sa bacteria sa programang pang-agrikultura ay sumailalim sa masusing pag-aaral ng mga eksperto bago pa man ito ilabas sa merkado.

Idinagdag pa nito na dumadaan din ang bawat biotech program sa “Biosafety Committee” ng pamahalaan–isang inter-agency committee na binubuo ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno–upang masiguro na pasado ang mga ito sa lahat ng “biosafety requirement and international standard.” Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply