Bading binigti sa loob ng motel

PATAY na nang makita ang hindi pa nakikilalang bading na binigti ng hindi pa nakikilalang suspek sa banyo ng kuwarto ng motel sa Caloocan City kaninang umaga.

Inilarawan lamang ang biktima na may edad na 45-50 at 5’4” ang taas.

Batay sa ulat, dakong alas-6:30 ng umaga nang makitang patay ang biktima na nakahubo’t hubad sa loob ng banyo ng room EV3 ng Kings Lodge Hotel sa Del Mundo st., ng nasabing lungsod.

Sa pahayag ng room boy na si Michael Platino, kagabi ay may kasamang hindi pa nakikilalang lalaki ang biktima nang mag-check-in.

Nang mag-umaga ay kinatok ng room boy ang inupahan kuwarto ng biktima dahil sobra na sa oras subalit walang sumasagot.

Kinuha ng room boy ang master key at nang buksan ay nakitang patay na ang biktima na may nakapulupot na belt sa leeg habang nakahandusay sa lapag ng banyo.

Wala na rin ang lalaking kasama ng biktima na naging dahilan upang ipagbigay alam sa mga pulis.

Nabatid na madalas na pumapasok sa nasabing motel ang biktima na may kasama na iba’t-ibang lalaki.

Nagsasagawa na nang imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente. Walang nakuhang ID ang mga pulis dahil walang pitaka ang biktima at hinahinalang tinangay iyon ng suspek. Rene Manahan

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply