Bading na Pinoy dedo sa bugbog sa Amerika

NAMATAY ang isang 70-anyos na Pilipinong bading matapos na ilang araw na na-comatose, nang bugbugin ng tatlong binatilyo sa Seattle, USA.

Basag ang bungo at bali ang mga tadyang ng biktima na kinilala na si Danny Vega na sumailalim sa operasyon, upang maampat ang internal bleeding na resulta nang pambubugbog sa kanya noong Nobyembre 15, 2011.

Naniniwala ang Filipino community at mga kaibigan ni Vega sa Seattle na napagtripan ng mga suspek ang biktima dahil sa pagiging bading nito.

Umaapela ang mga kamag-anak at kaibigan ni Vega sa mga nakasaksi sa krimen na lumutang, upang mabigyan ng hustisya ang sinapit ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply