Badjao sa MM itinaboy ng DSWD

ITINABOY ng Social Welfare and Development ang mga Badjao na nagsimula nang dumating sa Metro Manila upang mamalimos sa panahon ng Kapaskuhan.

Ayon kay Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman, may 120 pamilyang Badjao ang hindi pinayagan mamalimos sa lansangan ngayong linggo bagkus ay dinala ang mga ito sa Fabella Center upang isailalim sa “Cash for Work Program” ng DSWD.

Nabatid pa na bukod sa naturang bilang, may nauna nang 145 pamilyang Badjao ang naisailalim sa naturang programa upang mailayo sa anumang kapahamakan sa mga lansangan.

Kaugnay nito, nanawagan din si Soliman sa mga lokal na pamahalaan ng mga lalawigan na gumawa sila ng mga programa ngayong Kapaskuhan upang hindi na kailangan pang dumayo ng mga Aeta, Mangyan at Badjao sa Maynila para lang mamasko.

Nilinaw din niya na hindi nila nais itaboy ang mga katutubo kundi para mapangalaan at mailayo sila anumang kapahamakan.

Nabatid pa na
Magkakaroon din aniya ng isang Badjao conference sa Disyembre 1 hanggang 2 upang matutukan ang mga pangangailangan ng mga kapatid nating katutubo gaya ng edukasyon at livelihood programs.

Mayroon ding itinakdang Christmas party ang DSWD sa Disyembre 22 para sa mga batang Badjao.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply