Bagets na rebelde tiklo sa Abra

NATIKLO ng awtoridad ang isang binatilyong rebelde armado ng granada sa lalawigan ng Abra.

Ang rebeldeng si Angel Bumatay, alyas Ka Hector, tubong Aguib Sagada, Mountan province na nag-o-operate sa Cervantes at Quirino, Ilocos Sur ay isinuko na ng mga tauhan ng 52nd Infantry Battalion ng Philippine Army (PA) na nakabase sa San Ramon East, Manabo sa Quirino PNP, sa Ilokos Sur.

Ayon kay Maj. Romeo Delgado ng 52nd IB, nahuli ng kanyang pangkat ang suspek sa kanilang ikinasang combat operations sa isang bisinidad sa Barangay Patiacan-Subucnit, Quirino, Ilocos Sur nitong Nobyembre 21.

Nasamsam kay Ka Hector ang isang hand grenade, bushnel, vernacular telescope, jungle knife, dalawang cellphone at P2,600 cash.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply