Bagong Army chief ihahayag bukas

IHAHAYAG na bukas ng Armed forces of the Philippine ang bagong Philippine Army chief kapalit ng magreretirong si Ltgen Arturo Ortiz.

Nabatd na nanatiling tahimik ang Department of National Defense at AFP kung sino ang ihahayag ng Malakanyang na kahalili ni Ortiz na kasalukuyang nagsasagawa ng pagbisita sa ilang military camp.

Ito ay kasunod ng paglutang ng pangalan ni MGen. Emmanuel Bautista bilang bagong Army commanding general.

Si Bautista ng Philippine Military Academy Class ’81 ay ang kasalukuyang commanding general ng Philippine Army 3rd Infantry Division na nakabase sa Camp Macario Peralta sa Jamindan, Capiz.

Bukod kay Bautista, matunog din ang pangalan nina Lt. Gen. Anthony Alcantara, M/Gen. Josue Gaverza, Lt. Gen. Jessie Dellosa at walo pang two-star generals na kabilang sa shortlist na pinagpipilian ni Pangulong Benigno Noynoy Aquino,.

Sinasabing si Bautista ay sumusuporta sa peace process sa Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa Pilipinas-Revolutionary Proletarian Army-Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB), kung saan naging kontrobersyal ang P31 million social development fund.

Samantala, dinalaw kanina ni Ortiz ang Fort Magsaysay sa Nueva Ecijia bago ang nakatakdang November 9  turn-over ceremony sa Army headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig City upang dalawin ang homebase ng Army 7th Infantry Division at Special Operation Command na pinamunuan niya bago nahirang na army chief.

Bagamat sa November 13 pa ang pormal na pagretiro sa tinaguriang decorated hero at recipient ng Medal of Valor ay sinilip ni Ortiz sa huling pagkakataon ang mga proyektong kanyang isinakatuparan sa nasabing biggest army camp ng Pilipinas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply