Bagong Army chief kinikilatis na ni PNoy

PINAG-AARALAN na ngayon ni Pangulong Benigno Aquino III ang bagong Philippine Army chief na hahalili sa medal of valor awardee na si Ltgen Arturo Ortiz na magreretiro sa susunod na dalawang linggo.

Ito ay makaraang mapasakamay ng Pangulo ang “short lists” ng contenders bilang next commanding general ng Philippine Army sa harap ng nakatakdang pagretiro ni Ortiz.

Kasama sa mga nangunguna sa listahan na pinagpipilian ay ang dalawang “mistah” ni Ortiz sa Philippine Military Academy Class 1979, na sina Lt. Gen. Anthony Alcantara at Lt. Gen. Jessie Dellosa.

Bukod sa dalawang kaklase ni Ortiz ay kasama rin sa listahan ng contenders ang siyam pang two-star generals.

Kinumpirma naman ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman Col. Arnulfo Burgos na naisumite na ng Board of Generals ang listahan ng mga pagpipiliang kandidato.

Tumanggi naman si Burgos na idetalye ang nilalaman ng short list

Si Ortiz ay nakatakdang magretiro sa November 13 pagsapit sa mandatory retirement age na 56.

Bago nahirang bilang pinuno ng 70,000-strong Army noong July 2010, hinawakan ni Ortiz ang Special Operations Command.

Ang pagretiro ng heneral ay sa gitna ng pinaigting na operasyon ng militar laban sa lawless elements, kasunod ng nangyaring engkuwentro sa Al-Barka, Basilan na ikinamatay ng 19 na sundalo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply