Bagong CBCP officials manunungkulan sa Disyembre 1

SIMULA sa Disyembre 1 ay pormal nang manunungkulan ang mga bagong halal na opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa pangunguna ng bagong pangulo na si Cebu Archbishop Jose Palma.

Papalitan ni Palma sa puwesto si dating CBCP president Tandag Bishop Nereo Odchimar.

Isang turnover ceremony ang idinaos kanina kasabay ng joint meeting ng mga outgoing at incoming members ng CBCP Permanent Council saCBCP main office sa Intramuros, Manila.

Wala namang payong iniwan si Odchimar para kay Palma dahil batid naman umano niya na magtatagumpay ito sa pagganap sa kanyang tungkulin.

Aniya, batid naman na ni Palma ang mga nakabinbing isyu na kinakaharap ng CBCP dahil bago naging presidente, siya ang bise presidente ni Odchimar.

Plano naman ni Odchimar na mag-concentrate na lamang sa kanyang diocese ngayong tapos na ang kanyang termino at gampanan ang kanyang pastoral duties.

Aminado si Odchimar na marami siyang dapat gawin dahil marami siyang naiwanang obligasyon at responsibilidad sa kaniyang diocese.

Ang mga bagong opisyal ng CBCP ay inihalal noon pang Hulyo 2011 ngunit bukas lamang pormal na manunungkulan sa puwesto.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply