Bagong ebidensya sa Maguindanao Massacre, nabungkal

NAKABUNGKAL ng bagong ebidensya kaugnay sa malagim na Maguindanao Massacre.

Mismong nabungkal sa pinagyarihan ng krimen sa Barangay Salman, Ampatuan, Maguindanao ang isang lumang Identification (ID) card at tatlong empty shells ng M16 armalite rifles at M14 rifles na may malaking kaugnayan sa pagkakapatay sa mga biktima.

Ayon kay Engr. Khomeini Tipas, nakuha ang mga nabanggit na ebidensya ng isang construction worker na may ginagawang konstruksyon sa massacre site.

Ang naturang ID naman na narekober ay sira na at tanging “Sultan Kudarat” na lang ang nababasa dito dahilan para paniwalaang taga-Sultan Kudarat na mamamahayag ang may-ari nito.

Matatandaan, noong 2009, ng pagpapatayin ang 57 katao sa Maguindanao kabilang ang 32 mamamahayag na magkokober ng pagpa-file certificate of candidacy ni Esmael Mangudadatu sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec).

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply