Bagong P3.8B utang ni Ongpin sa DBP, nabuko

NATUKLASAN ni Sen. Sergio Osmeña III na may utang ang isang kompanya ni Roberto Ongpin ng P3.8 bilyon sa Development Bank of the Philippines (DBP) noong 2008 sa kabila nang kawalan ng aplikasyon at walang legal na basehan.

Sa pahayag nitong Huwebes,  sinabi pa ni Osmeña na hindi lisensiyadong magnegosyo sa Pilipinas ang Global Air Services na pag-aari ni Ongpin at may kabuuang P86 ($2) na puhunan ang naturang kompanya na umutang ng $90 milyon sa DBP o katumbas ng P3.8 bilyon.

“Sa kabila nang kawalan ng loan application at loan applicant, ipinalabas ng DBP ang pautang sa kompanyang kontrolado ni Ongpin na hindi lisensiyadong magnegosyo sa bansa partikular ang Global Air Services,” ayon kay Osmeña, chairman, Senate committee on banks, financial institution and currencies.

Ibinuglar pa ng senador na  ginamit ng GAS ang inutang sa DBP upang ipambili ng sapi ng Metro Rail Transit (MRT) kabilang ang hawak ng dalawa pang ibang kompanya, ang Ashmore at Presidio, kapwa may kaugnayan kay Ongpin.

“This is criminal, outrageous and utterly brazen, with the participants casually breaking several laws as if they do not exist. They used public money to buy assets for themselves and from themselves. It is Philex all over again,” ayonn kay Osmeña.

Dagdag pa ng senador: “While this transaction is revolting, I welcome it because they became too cocky and reckless.”

Sinabi ni Osmeña hahalukayin niya ang GAS deal kapag nagpatuloy ang imbestigasyon sa P660 milyong pautang na ibinigay kay Ongpin, partikular sa Delta Ventures Resources Inc., noong 2009.

Inaasahang dadalo si Ongpin, dating Trade Minister ni yumaong Pangulong Ferdinand Marcos.

Nauna nang natuklasan ng Senado na nilabag ng DBP sa pamumuno ni dating presidente at chief executive officer Rey David ang umiiral na regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nag-aatas na mahigpit na tuparin ang lahat ng pangangailangan sa corporate loan applicatgions, upang tugunan ang P660 milyong pautang sa DVRI.

Partikular na natuklasan ng Senado ang pagbibigay ng 10 exemptions sa DVRI kaya madaling nakuha ng kompanya ni Ongpin ang P660 milyong pautang na paglabag sa alituntunin ng BSP.

Sa naturang halaga, naunang inaprubahan at ipinalabas ang P150 milyon isang linggo matapos maghain ng aplikasyon at ang P510 milyon sa araw na naghain ng aplikasyon.

Ginamit naman ng DVRI ang naturang halagan upang mabili ang 50 milyong sapi ng DBP sa Philex Mining Corporation na kung saan miyembro ng board sina Ongpin at David.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply