Bagong urgent motion for reconsideration inihain ng OSG sa SC

NAGHAIN ng panibagong urgent motion for reconsideration ang Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema upang i-lift ang Temporary Restraining Order (TRO) sa watchlist order laban kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Iginiit ng OSG, na ang kasong electoral sabotage na isinampa laban kay Gng. Arroyo ay sapat nang dahilan para pigilang maka-alis ng bansa ang dating Pangulo.

Bago ito, ibinasura ng Korte Suprema sa isinagawang en banc session kanina ang naunang mosyon na inihain ng OSG para pigilan na maka-alis ng bansa si dating Pangulong Arroyo.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply