Bagong uri ng lamok na carrier ng dengue virus nadiskubre

NADISKUBRE ang bagong uri ng lamok na carrier ng dengue virus sa bansang Peru.

Ayon sa ulat ng Department of  Health, napag-alaman na may mga lamok na carrier ng dengue virus ang nabubuhay na sa maruruming tubig.

Ito ay matapos na mabatid na may mga lamok na may dalang dengue virus ang nabuhay sa isang septic tank sa nabanggit na bansa.

Ayon kay Dr. Eric Tayag, tagapagsalita at assistant secretary ng DOH, nakabantay na ang ahensya sa nasabing bagong uri ng lamok na may dalang dengue upang mapigilan na makapasok ito sa bansa.

Ipinaliwanag pa ni Tayag na kakaiba ang bagong lamok na ito dahil aniya, ang pangkaraniwang lamok na may dalang dengue virus ay nabubuhay sa clear stagnant water.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply