Bagong witness sa Ramgen slay case lumutang

LUMUTANG na ang isa pang bagong witness upang maghayag sa naganap na pagpaslang kay Ramgen Revilla.

Ayon sa Parañaque City Police, kusang loob na nagtungo sa pulisya si alias “Lim,” para magbigay ng impormasyon hinggil sa kaso.

Ayon sa testimonya nito, inamin nito na nakipagkita siya sa dalawang iba pang suspek na sina Norwin Dela Cruz at Glaiza Vista bago mangyari ang krimen para pag usapan ang mangyayaring bayaran.

Noong nalaman ito ni “Lim” ay kaagad siyang umatras dahil hindi raw ito kaya ng kanyang konsenysa.

Nabatid na si “Lim” ay kaibigan ng naarestong suspek na si Michael Altea at Roy Francis Tolisora.

Samantala, walang binago ang kasintahan ni Ramgen na si Janelle Manahan sa nauna niyang pahayag sa Parañaque City Police.

Nagsumite na rin umano ng affidavit si Janelle tungkol sa lahat ng kanyang nalalaman hinggil sa kasintahang napaslang at sa mga gusot na kinasasangkutan nito.

Gayunman, tumanggi si Ginoong Julius Manahan na magkomento tungkol sa pagkakadawit ng mga kapatid ni Ramgen sa pagpatay sa binata.

Sinabi rin niya na ang tanging tinututukan niya ngayon ay ang kondisyon ng anak at sa oras na gumaling na ito ay paghahandaan nilang sagutin ang lahat ng mga isyung kaugnay sa  krimen. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply