Bahay ng kapitan pinasabugan ng granada

PINAULANAN ng bala at granada ang tahanan ni Barangay Chairman Babes Garita kaninang madaling araw sa bayan ng Ponteverde.

Ang insidente ay naganap pasado alas-12 :00 ng madaling-araw sa bahay ng naturang barangay kapitan.

Ayon kay Pontevedra PNP Chief Insp. Vanessa Sonoy, dalawang anggulo ang kanilang tinututukan sa ngayon habang patuloy ang hot pursuit operations sa anim na mga suspek.

Na-recover sa crime scene ang mga empty shells sang 9mm at .45 caliber  at mga bala ng long arm at isang motorsiklo.

Sa kabilang dako, nagpasalamat naman si Garita na walang nasaktan sa kanyang pamilya.

Sinabi nito na kilala niya ang mga suspek na may kinalaman sa isang gulo na naganap noong nakaraan nilang fiesta. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply