Bakbakan ng puno’t dulo sa PBA D-League

PANANATILIHIN ng nangungunang Freego Jeans ang bandera sa PBA Developmental League Aspirants Cup sa pagharap sa wala pang panalong DUB Unlimited bukas ng hapon (Nobyembre 25) habang balik-laro sa torneo ang NLEX Road Warriors sa pagsabak muli ng mga manlalaro na tumulong sa pagsungkit sa korona sa 26th Southeast Asian Games sa basketball nitong nakaraang Linggo.

Ang Road Warriors laban sa Big Chills na lalaruin sa Trinity University Gym sa pagsalang nina Cliff Hodge, Dave Marcelo, Jake Pascual, Garvo Lanete at Eman Monfort.

Sasandal din si coach Teodorico Fernandez III sa Big Three mula sa San Sebastian Stags na sina Calvin Abueva, Ronald Pascual at Ian Sangalang.

Huling naglaro ang Road Warriors noong Lunes (Nobyembre 21).

Liyamado ang Freego Jeans sa laro laban sa DUB Unlimited ni coach Junel Mendiola na may apat na talo at hindi pa nakakatikim ng panalo. Nangingibabaw rin ang Freego Jeans sa 10-team competition na kabalentuna noong nakaraang season.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply