Balbas ni Pacman, pinagkakaguluhan raw ng mga chicks (Talaga lang ha?)

ANG isa raw sa asset ni Cong. Manny Pacquiao kaya kinikilig sa kanya ang mga chicks ay ang kanyang balbas.

Hindi kasi mahilig si Pacman na mag-ahit ng kanyang bigote at ‘yan nga raw ang rason kung bakit maraming babae ang gustong magpakama sa kanya. Talaga lang ha? Ang alam kasi namin ay ang datung ng nasabing Boxing champ ang hinahabol ng mga girlalu na ‘yan no! Aanuhin mo ang balbas kung wala namang anda ang chuchorva sa iyo? Saka, hindi naman siguro ma-aatract kay Papa Manny ang ilan nating mga sexy stars kung wala silang vested interest sa mister na ito ni Jinkee Pacquiao.

Bakit, noong time na walang datung ang global personality, may naghahabol ba sa kanya? Hindi ba’t si Jinkee lang ang nagtitiyaga sa kanya? So, dapat at karapat-dapat lang na ang maging Reyna sa buhay ni Manny ang misis niyang ito na retoke queen na rin ngayon.

‘Yang mga balbas na ‘yan, bagay lang sa mga hunk actor at hindi sa sikat na politician-boxer.

Samantala, nalalapit na ang muling bakbakan ni Manny kay Juan Manuel Marquez sa Las Vegas. Well, we are for you gyud Mr. Bigote.

***

Aiko Melendez at Rayver Cruz, ginugulo ng kanilang pabayang amang si Celso Ad Castillo sa ‘Reputasyon’

BINA-BLACKMAIL ngayon ng pabayang Ama na si Samuel (Celso Ad Castillo) ang kanyang mga anak na sina Gobernadora Catherine Villamayor (Aiko Melendez) at Henry (Rayver Cruz). Napakasaklap nang sinapit ng magkapatid na ito noon sa kanilang lasenggong tatay kung saan ilang beses nitong ginahasa si Catherine. At ‘yan ang ginagamit nito (Samuel) ngayon para pagkaperahan ang mayamang daughter na politician. At si Henry gusto rin niyang makita pero hindi na pumapayag pa si Catherine.

Pero ano kaya ang gagawin ni Henry kapag nakita ang amang nanggugulo uli sa buhay nila?

Samantala, kahit na ipinagtatabuyan na siya (Henry) ng Tatay Jose (Lito Pimentel) ng nobyang si Agnes delos Santos (Cristine Reyes) ay hindi pa rin ito sumusuko sa pagmamahal niya kay Agnes at handa niyang ipaglaban ito lalo pa’t ganoon rin naman ang kasintahan sa kanya.

Hanggang kailan kaya ito gagawin sa kanila ni Catherine at papaano na ang pagmamahalan nina Henry at Agnes? Mauwi pa kaya sila sa kasalan? Lahat ng ‘yan ay subaybayan tuwing hapon sa Reputasyon sa Kapamilya Gold pagkatapos ng Pinoy Big Brother Unli Day.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply