Baliw si Robin Padilla, matino si Mariel Rodriguez!

KABALIGTARAN pala yung alam natin tungkol sa pagsasama nina Mariel Rodrioguez at Robin Padilla.

Taliwas sa impresyon ng lahat na si Robin Padilla ang nagpapasensiya sa pagka-krung-krung ng asawang si Mariel Rodriguez, ayon sa action star, kabaligtaran  ito.

“Abnormal akong tao, eh,” sabi ni Binoe, “kaya hanga ako sa mga normal. At ngayon, alam na ni Mariel ’yun, na moody ako.”

Si Mariel din naman, moody, ’di ba?

“Hindi, napakabait nu’n. Wala akong masasabi, paggising pa lang nu’n, nakangiti na at ’yung energy na ng gising niya, ’yun na ’yun.”

’Yung sinasabi raw na krung-krung si Mariel ay hindi pa niya nakikita.

“Siguro sa iba. Pero sa akin, siguro ayaw niyang sabayan ang pagkabaliw ko. Hindi, hindi ko pa siya nakitaan ng ganu’n.”

Minsan nga raw, nagiging cause ng tampuhan nila ang pagiging moody ni Robin, pero nilinaw ng aktor na hindi na kasama ang selos.

“Wala nang selos, wala nang ganu’n. Hindi kasi, lalo na nu’ng Guns and Roses, masyado ’yung mga eksena, mabibigat na, minsan pag-uwi ko, nadadala ko pa ’yung karakter ng Abel.

“Alam ko nagpapasensiya siya, hinahayaan muna niya akong matulog, ganu’n.”

Selosa ba si Mariel?

“Basta nasa tama,” sagot niya.

May dapat pa bang pagselosan ang asawa niya sa kanya?

“Hindi naman. Minsan kasi hindi maiwasan na nakapagsasalita ako ng para sa kanya, ‘hindi mo na dapat sinabi ’yun,’ ’yung mga ganu’n. Hindi naman selos, may mga palso rin kasi ako, eh,” sabi pa ng isa sa bida ng sitcom na “Toda Max” na magsisimula na sa Nov. 5.

***

Anne Curtis, Cristine Reyes pagsasaluhan ang box-office queen award!

AYON kay Anne Curtis, ang 20 percent ng kanyang bonus sa No Other Woman ay ibinahagi niya sa paboritong charitable institution, ang UNICEF.

Dito man lang daw, mai-share niya kahit paano ang mga biyayang natatanggap niya.

“Well, I believe kasi na when you’re blessed, you should share your blessings without a doubt, because parang that’s one of the reasons why I think you also get blessed, eh. So that you can share it to people who are in need of that blessing, too. I-share natin, ’wag tayo madamot,” say niyang natatawa.

Nag-celebrate na rin daw sila ng boyfriend na si Erwan Heussaff.

“Kumain nang kumain, kasi sobra akong nag-work-out for the movie, so, binongga ko ’yung kain ko after.”

Tulad ni Cristine Reyes, okay na okay daw sa kanya kung dalawa silang box-office queen this year.

“Of course naman, last year, there were two box- office kings, so, baka it’s time for two box-office queens,” masaya pa rin niyang sabi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply