Ballistic exam sa balang nakuha kay Ramgen, inilabas na

INILABAS na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang resulta ng ballistic examination sa balang nakuha sa katawan ng pinaslang na si Ramgen Revilla.

Ayon sa NBI, isang bala ng kalibre .45 baril ang nakuha sa dibdib ni Ram.

Lumabas din sa laboratory examination na isang polyester fiber ang dumikit sa balang bumaon kay Ramgen.

May posibilidad din umanong galing sa unan ang polyester fiber para humina ang tunog ng baril.

Kung maalala, nagtamo ng 10 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at isang tama ng bala si Ramgen mula sa sumalakay na suspek.

Ayon kay Dr. Alvin David, medico-legal chief ng National Bureau of Investigation (NBI), kabilang umano sa matinding sugat ng biktima ay ang isang saksak na tumagos sa kanyang puso.

Narekober din umano ng medico-legal team ng NBI ang bala sa katawan ni Ram.

Maliban dito, nakitaan din ng tama ng saksak sa braso nito si Ramgen na posibleng ebidensiya na nanlaban ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply