Ban ng OFWs sa 41 bansa minaliit ng Dole

SINABI ngayon ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na hindi dapat mabahala ang mga overseas Filipino workers (OFW) sa pagbabawal sa kanila na magtrabaho sa 41 bansa.

Aniya, hindi malaki ang impact ng nasabing ban sa mga Pinoy kaya hindi dapat na mabahala.

Una rito, ayon kay Baldoz, sa resolusyon na inaprubahan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) hindi sila maaaring magpadala ng mga manggagawang Pilipino sa mga bansa na inilagay nila sa kategoryang hindi ligtas na puntahan.

Pinayuhan din nito ang mga OFW na alamin ang listahan ng mga bansang ligtas at hindi ligtas sa ilalabas nilang anunsyo sa mga pahayagan sa loob ng 15 araw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply