Banggaan ng SC, Palasyo, magdudulot ng ‘constitutional crisis’

NANGANGANIB na magdulot ng constitutional crisis ang namumuong banggaan ng Malakanyang at Korte Suprema.

Ito ang binigyang diin ni Senate committee on justice and human rights Chairman Francis “Chiz” Escudero matapos pigilan ng Department of Justice at Bureau of Immigration na makalabas ng bansa kagabi (Nobyembre 15) sina dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo at Atty. Mike Arroyo sa kabila ng Temporary estraning Order (TRO) ng Supreme Court.

Kapwa sinisi ni Escudero ang panig ng mga Arroyo at DOJ.

Aniya, hindi dapat magmadali ang dating Pangulo sa paglabas sa bansa sa halip ay dapat nitong hinintay na matanggap ng DOJ ang kopya ng TRO ng SC.

Sa panig naman ng DOJ, dapat hindi na ito nag-imbento ng mga ligal na teorya para maharang ang TRO at mapigilang makalabas ng bansa ang mga Arroyo.

Binanatan din ni Escudero sina Justice Secretary Leila De Lima at Presidential Spokesman Edwin Lacierda sa pag-iimbento ng mga ligal na teorya para makontra ang pagpapatupad ng TRO ng Korte Suprema sa watchlist order laban sa mag asawang Arroyo.

Una na kasing iginiit nina De Lima at Lacierda na hindi epektibo ang TRO habang hindi nadedesisyunan ng Korte Suprema ang isasampa nilang motion for reconsideration dito.

Ipinaliwanag ni Escudero kina De lima at Lacierda na ang TRO ay isang provisional remedy at hindi ito pwedeng pigilan ng isang motion for reconsideration.

Sinabi ni Escudero, na tila hindi nag-practice ng Law sina De Lima at Lacierda dahil kahit ang isang first year Law student ay alam ang hinggil sa nature ng TRO.

Paniwala pa nito na posibleng “deadlock o stalemate” ang posibleng kalabasan ng banggaan ng Korte Suprema at Malakanyang sa pamamagitan ng DOJ sa isyu ng pagpapalabas sa bansa ng mag-asawang Arroyo matapos
na makakuha ng TRO.

Ayon kay Escudero, sakaling i-cite for contempt ng Korte Suprema sina De Lima at Immigration Commissioner Ricardo David Jr., at ipakulong ang mga ito dahil sa hindi pagsunod sa TRO.

Ang tanong aniya ay sinong pulis ang pwedeng utusan ng Korte Suprema para hulihin sina De Lima at David.

Sinabi pa ni Escudero na ang mga pulis ang maiipit sa sitwasyon dahil hindi nito malaman kung sino ang susundin, ang DOJ ba o ang Korte Suprema?

Duda din ang senador na nakakuha ng simpatya mula sa taumbayan ang mag-asawang Arroyo.

Ayon kay Escudero kahit naging madrama na ang eksena sa NAIA ay maaaring hindi pa rin nakakuha ng simpatya ang mga ito.

Subalit giit ni Escudro, na mali ang DOJ sa hindi pagsunod sa TRO ng High Tribunal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply