Bangis ng Tigers sasabayan ng Aces

MASAKLAP ang pagkatalo ng Powerade Tigers sa kanilang huling laban kaya paniguradong ibubuhos nila lang ahat ng kanilang galit sa makakatunggali nilang Alaska Aces sa 2011-12 PBA Philippine Cup sa Big Dome elims bukas ng gabi (Biyernes, Nobyembre 18).

Halos hawak ng Tigers ang panalo laban sa Meralco Bolts kagabi, (Nobyembre 16) dahil angat sila ng isang puntos, 96-95 may 12.8 segundo na lamang ang nalalabi sa huling canto.

Subalit nakalusot si Macmac Cardona papasok sa open lane upang isalpak ang winning basket ng Bolts para sa 97-96 may walong segundo pa ang natitirang oras.

May pag-asa pa sanang masagpang ng Tigers ang panalo subalit nabitiwan ni top rookie pick Jayvee Casio ang bola sa kanyang pagsalaksak upang isara ni Bolts cager Gabby Espinas ang 98-96 panalo nila matapos ang split charities.

Paniguradong mahihirapan naman kunin ng Powerade ang panalo laban sa Aces dahil uhaw din sa panalo ang huli.

Tangan ng Tigers ang 3-6 win-loss slate habang 1-7 naman ang karta ng Alaska.

Sa first game, maghaharap ang Petron Blaze Boosters at Barako Bull Energy.

Dala ng Boosters ang 6-3 karta habang 5-3 baraha ang bitibt ng Energy kung saan ay nakapila sila sa third at fourth spot ayon sa pagkakasunod.

Mag-isa sa top spot ang Talk ‘N Text Tropang Texters na may 7-1 panalo-talo karta habang nakabuntot ang Rain or Shine Elasto Painters na may pintang 7-2 record.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply