Bangka binangga ng Superferry

ISANG mangingisda ang nawala habang tatlo ang sugatan matapos salpukin ng barko ang kanilang bangka sa Sarangani Bay kaninang ala-una ng madaling araw.

Patuloy na pinaghahanap si Jovanny Buntong, 60, habang dinala sa General Santos City Hospital sina Julieto Mendoza, 52, operator ng lantsa, Marjun Quirames, 20, at Brian Enero, 17.

Ayon sa operator ng lantsang San Jose Bayanihan na Menda palabas sila ng Sarangani Bay nang bigla silang nasiraan hanggang sa banggain ng isang Superferry na palabas ng General Santos patungong Zamboangga City .

Hindi napansin ng kapitan ng barko ang aksidente subalit dahil sa mabilis na pagtugon ng PNP Maritime ay natulungan ang mga mangingisda.

Ngayong umaga hihingi ng tulong ang mga mangingisda sa tanggapan ng Superferry sa Makar Wharf sa lungsod upang silay matulungan sa kanilang pagpapagamot. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply