Bangka nasalpok ng Superferry: 7 fishermen sugatan, 1 nawawala

NASUGATAN ang pitong mangingisda habang isa pa ang nawawala makaraang mabangga ng isang barko ng Superferry ang kanilang Bangka sa karagatan ng Brgy. Tinoto, Maasim, Saranggani province, kaninang madaling-araw, Nobyembre 18.

Nabatid kay Junito Mendoza, kapitan ng Bangka, nasa tabi pa sila ng pantalan para sa paghahanda ng paglalayag nila nang biglang mahagip sila ng barko bandang ala-1:00 ng madaling araw

Nawasak ang Bangka at tumilapon ang mga sakay nito kasama ang mga kagamitan sa pangingisda.

Nailigtas naman ng Coast Guard-Gensan ang mga mangingisda na dinala ng PNP Maritime sa District Hospital, naturang lungsod.

Nakilala ang mga sugatan na sina Joseph Gediones, ng Habitat; Bryan Enero, 17, ng Malok, Labangal; Marjun Kirames, 20, mula sa Labangal; Junito Mendoza, 52; Regalado Caceller, 19; Rex Polawing, 28, na taga-Labangal din, at ang missing na si Jovani Buntong, 60, na dating purok chairman ng Malok, Labangal sa Gensan.

Nabatid pa na matapos ang pagsagi sa bangka, dire-diretso lamang sa paglalayag ang barkong nakabangga palabas ng Gensan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply