Bangkang de Motor lumubog sa Cebu; mga pasahero na-rescue

LUMUBOG ang isang bangkang de motor na pampasahero sa Cebu madaling araw ng Biyernes.

Ang naturang bangka ay galing Bohol at patungong Cebu.

Ayon sa Philippine Coast Guard, nailigtas ng kanilang mga kawani ang lahat ng pasahero ng RD Express kung saan umabot umano ng halos 100 katao ang sakay ng naturang bangka kabilang na rito ang mga pasahero at mga crew.

Umalis ang bangka sa Bohol at patungong Pasil Fish Port sa Cebu na lumubog sa pagitan ng Hilutungan Island at bayan Cordova sa Mactan Island.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng PCG at inabisuhan na nito ang kapitan ng bangka na magsumite ng report hinggil sa pangyayari.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply