Bangkay natagpuan sa likod ng Manila Post Office

ISANG bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa likod ng Manila Post Office sa Intramuros, Manila kaninang umaga.

Inilarawan ang biktima na nasa 35 hanggang 40-anyos, may taas na 5’5, katamtaman ang pangangatawan, may tattoo na “iam the lound friend,” dragon at bahala na gang sa kaliwang hita, “love me” sa kanang kamay at “Baniag” sa kanang hita.

Bukod pa dito, may bakas rin ng sakal ang leeg ng bangkay.

Sa report ni Det. Milbert Balinggan ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 6:15 ng umaga nang matagpuan ang bangkay sa nasabing lugar.

Ayon kina Ron Reyes at Joel Umacob, napansin nila ang biktima na nakahandusay sa nasabing lugar dahilan upang ipagbigay-alam nila ang nakita sa pulisya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply