Bangkay ng bagong panganak na ina itinapon

MISTERYO ngayon sa Pangasinan PNP kung sino ang responsable sa pagtatapon ng bangkay ng bagong panganak na nanay na natagpuan sa isang kanal sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan, ayon sa ulat ng pulisya ngayon.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, natagpuan ng mga residente ang bangkay ng bagong panganak na ginang sa isang kanal sa Barangay Guilig sa nasabi ring bayan na nakabalot sa isang plastic at isinilid sa karton.

Inaalam ngayon ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima kung saan ay nakitang sa kanya na isang tag na may nakalagay na “baby girl Cayabyab,” na posibleng pangalan ng kanyang naging anak.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente at upang matukoy kung sino ang nagtapon sa nasabing bangkay.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply