Bangkay ni Umbra Kato ilutang – Malakanyang

KAILANGAN munang makita ng Malakanyang ang bangkay ni dating MILF commander Ustadz Ameril Umbra Kato bago pa maniwala na patay nga ito sa edad na 65 matapos ma-stroke.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, gaya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay naguguluhan din sila kung patay nga o buhay si Umbra Kato batay na rin sa mga naglalabasang balita.

“In cases like this one, until such time that the body is either made available—not for viewing—but until we get confirmation that either dead or alive until, unless he surfaces, wala po muna kaming… We would rather defer comment po muna. Conflicting din kasi talaga, ‘yung reports eh. I think even from several factions, even from the MILF, mayroon din pong sinasabi doon sa BIFF, sinasabi, conflicting din po ‘yung reports nila. So ang huling kinonfirm (confirm) po ng AFP is that, when the AFP received word that he suffered a stroke, nag-offer po tayo ng medical assistance,” ayon kay Usec. Valte.

Nakiusap naman ang Malakanyang na huwag na munang pag-usapan ang magiging epekto sa usapang pangkapayapaan ng pamahalaan sa MILF sa sinasabing pagkamatay ni Umbra Kato.

Nakiisa naman ang Malakanyang sa hangarin ng militar at Moro Islamic Liberation Front (MILF) na magbalik loob sa grupo ang mga tagasunod nang tumiwalag na pinunong si Ameril Umbra Kato, na mayroon umanong 300 hanggang 400 na tagasunod.

Samantala, inihayag naman ni MILF spokesperson Von Al-Haq na maaaring manumbalik ang mga tagasunod ni Kato sapagkat pareho namang nagtutulungan ang MILF at BIFM para sa makabubuti sa mga tao ng Bangsamoro.

Dagdag nito, inihayag ni Al Haq na kung sino mang miyembro ng BIFM na nais panumbalik sa MILF ay dapat respetuhin ang mga polisiya ng MILF, kabilang na ang pagsuporta sa peace negotiations nila kasama ang gobyerno.

Kasalakuyang nahaharap si Kato ng ilang kaso sa pag-atake sa Mindanao matapos ang pagbasura ng Korte Suprema nitong 2008 sa Memorandym of Agreement on Ancestral Domain.

Inatasan siya ng MILF na bumuwag mula sa kanilang grupo nitong Oktubre, taong ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply