Bangkay pa binaunan ng pako sa ulo sa Kyusi

ISA na namang biktima ng summary execution na binaunan ng pako sa ulo ang natagpuan sa Quezon City kaninang madaling-araw.

Sinabi ni Police Inspector Elmer Monsalve, hepe ng Quezon City Police District- Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), walang pagkakakilanlan ang biktima na inilarawan lamang na nasa 25-30-anyos, 4’7, medium built, kulot at may tattoo sa kaliwang braso.

Bukod sa mga palatandaang dumanas ito ng matinding hirap bago patayin dahil sa mga nakitang mga pasa sa ulo at sa iba’t ibang parte ng katawan, binaunan pa rin ang bunbunan nito ng 3  concrete nails na may habang 5 inches.

Ayon pa kay Monsalve, walang saplot sa katawan ang biktima na pang-anim nang natagpuan sa lungsod sa loob lamang ng tatlong buwan.

Sa ulat ng QCPD-CIDU, nadiskubre ang bangkay dakong alas-5 ng madaling-araw na nakadapa sa isang bangketa sa Mindanao Extention Avenue, sa Barangay Greater Lagro.

Hinala ni Monsalve na ang biktima ay maaring namatay sanhi ng gang-related violence, na tulad din ng naunang lima pang biktima ng salvaging ay natagpuang sangkot din sa street gangs.

Sinabi rin ni Monsalve na tinututukan na nila ang mga karahasan sa kalsada na ang sangkot ay mga magkalabang frat members.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply