Bangkay sa septic tank, itinuro sa panaginip

SIMULA pa noong Abril, hinahanap na ng walong anak ang kanilang nanay na bigla na lamang nawala na parang bula kaya walang katapusan ang kanilang pagtatanong kung saan nila ito matatagpuan.

Bago naaresto ang kanilang tatay Fermin sa kasong panggagahasa sa kanyang mismong hipag, ang palaging sinasagot nito sa kanila ay umuwi ang kanilang nanay sa Arakan, North Cotabato.

Lalo pang sumidhi ang kanilang paghahanap sa kanilang nanay nang hindi rin ito umuwi matapos mamatay naman ang kanilang bunsong si Marlon na naaksidente may 3 linggo na ang nakararaan.

Pero kamakailan lamang, ang kanilang paghahanap sa nawawalang mahal sa buhay ay natapos na dahil natagpuan na ang bangkay ng kanilang nanay sa isang lumang septic tank na nasa  labas ng bahay ng isang kamag-anak na dati na nilang tinirhan sa Barangay Ligaya sa GenSan.

Ang bangkay ng biktima na kinilala sa pangalang Nimfa ay narekober sa tulong ng barangay officials at ang kapulisan.

Ayon kay Darlyn Dajay, isa sa mga anak, lumitaw sa kanyang panaginip ang kanyang nanay at ipinahatid sa kanya na siya ay ibinaon malapit sa kanilang lumang bahay.

Hindi man kapani-paniwala, napanaginipan din ni Alejandro Amoy, isang kamag-anak ang nawawalang pinsan na si Nimfa at kahit siya ay alam niya ang pinaglibingan dito.

“Two weeks ago, Nimfa appeared in my dream and asked me to open the septic tank,” pahayag ni Amoy.

Ang panaginip ay binalewala ni Amoy pero nang tumawag sa kanya si Darlyn at sinabi ang tungkol sa kanyang napanaginipan kaya naisipan niyang buksan ang naturang septic tank.

Hindi naman nagkamali ang magtiyuhin, natagpuan nila ang halos kalansay ng bangkay ni Nimfa na nakilala ng kanyang mga anak dahil sa kasuotan nito.

Sinabi naman ng isa sa mga anak  na si Gerald, wala siyang ibang suspetsa na gagawa nito kundi ang kanilang tatay Fermin na pisikal na inaabuso ang kanilang nanay.

Sinabi rin ni PO2 Angel Marquez, imbestigador ng Lagao police station,  lumabas na sinuportahan ni Nimfa ang pagsasampa ng kaso laban kay Fermin na isinampa ng nakababatang kapatid na ginahasa ng una, kaya pinatay din siya ng kanyang asawa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply