Bangketa inararo ng kotse: 1 patay 4 sugatan

PATAY ang isa habang sugatan ang apat pang katao matapos araruhin ng isang Honda Civic na sasakyan ang isang bangketa kaninang madaling-araw sa may Welcome Rotonda sa lungsod ng Quezon.

Ang biktima ay kinilalang si Emmanuel Mameng habang kabilang sa apat na nasugatan ang isang dalawang buwang gulang na sanggol.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, natutulog umano ang mga biktima sa harapan ng isang pribadong bangko sa nasabing lugar nang suyurin ito ng isang rumaragasang Honda Civic na may plakang TLZ-972 at minamaneho ng isang Christian Lim.

Ayon kay Lim, iniwasan niya umano ang isang taxi at tuluyan na siyang nawalang ng kontrol sa kanyang manibela.

Samantala, dinala naman sa East Avenue Medical Center ang mga biktima para malapatan ng lunas.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply