Barangay tanod timbog sa shabu

KALABOSO ang isang barangay tanod matapos itong mahulihan ng shabu kagabi (Huwebes, Nobyembre 10) sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Jose Butch Pineda, barangay tanod ng Brgy. 261, Zone 24, District II ng lungsod.

Sa report ng MPD-Station Anti-Drugs Unit, dakong 10:30 ng gabi nang mahuli ang suspek sa kanto ng Severino Reyes at Bambang sts., sa Tondo.

Ayon sa report ng pulisya, isang impormasyon ang kanilang natanggap mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na iligal na transaksyon ng shabu sa mismong barangay hall.

Bunsod nito, nagsagawa ng surveillance operation ang pulisya at doon naispatan ang ilang parukyano na nasa aktong nag-aabutan ng shabu.

Nakuha mula sa pag-iingat ni Pineda ang isang sachet ng shabu.

Nabatid na ang barangay hall ang ginawang tambayan ng mga tanod na positibong gumagamit ng droga at mga babaeng bayaran.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply