Barbosa nakisosyo sa liderato sa rapid chess

NAKIBUHOL sa top spot si Pinoy Grandmaster Oliver Barbosa upang makipag-agawan sa asam na gold medal sa 26th Southeast Asian Games men’s rapid chess competition sa Hotel Swarhna sa Jakarta, Indonesia.

Kasalo ni No. 3 seeded Barbosa, (Elo 2571) ang dalawang Vietnamese super grandmasters na sina top seeded at No. 2 ranked Le Quang Liem, (Elo 2714) at Nguyen Ngoc Truong Son, (Elo 2662) na may tig 2.5 points matapos ang third round.

Kumonekta ng dalawang sunod na panalo si Barbosa sa rounds one at two ng talunin sina Nyi Nyi Lwin ng Myanmar at Kasmiran ng host country ayon sa pagkakasunod bago nakipaghatian ng puntos kay Nguyen sa round 3 kagabi (Nobyembre 17).

Nakatakdang magharap ngayong hapon ang magkababayang sina Nguyen at Le sa fourth round habang tsansa ni Barbosa na masolo ang liderato sa pakikipagsulungan kay IM hafizulhelmi Mas (Elo 2398) ng Malaysia.

Samantala, kailangan manaig ni 12-time national champion GM Rogelio “Joey” Antonio kontra FM Hamdani Rudin, (2322) ng Indonesia upang magkaroon ng tsansa para makapag-uwi ng medalya sa nasabing event.

May total 1.5 points si No. 4 ranked Antonio, (2557).

Sa men’s standard nanguna sa mga favorite player si Pinoy super GM Wesley So (Elo 2659) matapos pisakin si FM Kyaw Lin Naing (Elo 2234) ng Myanmar.

Ang ibang seeded chessers na nagwagi ay sina GM Susanto Megaranto, (Elo 2537) ng Indonesia at Cao Sang (Elo 2521) ng Vietnam.

Sa distaff side ng rapid, kasalo sa unahan si WIM Catherine Perena na may 2.5 points matapos ang third round.

Kasama ni Perena sa 1st to third place sina WGMs Hoang Thi Bao Tram at Pham Le Thao Nguyen na mga Vietnamese. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply