Barbosa, Perena matigas sa mixed

SINULONG nina GM Oliver Barbosa, (elo 2571) at WIM Catherine Perena (2083) ang ikalawang sunod na panalo upang manguna sa Mixed pair chess competition sa nagaganap na 26th Southeast Asian Games sa Palembang, Indonesia.

Giniba nina Barbosa si GM Susanto Megaranto, (elo 2537) habang nakipaghatian ng puntos si Perena kay WGM Sukandar Irene Kharisma, (elo 2350), upang talunin ng Pilipinas ang Indonesia, 1.5-0.5 at makasalo ang Vietnam sa top spot na may 4 points sa event na ipinatupad ang team match point scoring.

Binokya muna ng team Philippines ang Myanmar sa first round at sa third round ay masusubukan sina Barbosa at Perena kung hanggang saan ang itatalag nila dahil makakaharap nila sa round 3 ang Vietnam.

Makakalaban ni Barbosa si GM Dao Thien Hai habang makakaharap ni Perena si WGM Nguyen Thi Thanh Ann (Elo 2300).

Magkasalo sa third at fourth spot ang host country at Malaysia na may tig 2.0 pts. kung saan ay sila ang magkatunggali sa third round habang maglalaban ang wala pang mga puntos na Thailand at Myanmar.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply