Barko lumubog, 357 katao nailigtas ng PCG

NAILIGTAS ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 57 pasahero ng M/V Dapitan of Cokaliong Shipping Lines bago pa man ito lumubog habang dumadaong sa pantalan ng Surigao City.

Agad namang rumesponde ang Coast Guard Surigao Station at ligtas na nailipat ang mga pasahero sakay ng tugboat  patungong Pier 2 Surigao Port, Surigao City.

Samantala, ang M/V Jeric Jasy cargo vessel na ino-operate ng Eastern Island shipping Lines Corporations na may business address sa san Rque St. San Andres Catanduanes ay aksidente namang tinangay sa Sitio Del Rosario, Brgy Nato, Sagnay, Camarines Sur dahil sa malalalaking alon ganap na alas-6:39 kahapon (Nobyembre 15).

Agad namang inatasan ni Coast Guard Detachment Nato ang kapitan ng barko na si Capt. Raul B. Barrameda na tinayking naka-lock ang fuel line valve ng barko upang makaiwas sa posibleng oil leakage.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply