Baron balik sa pagiging lasenggo!

HOW true na balik sa pag-inom at paglalasing ang actor na si Baron Geisler? Ito ang tsika sa Philippine Entertainment Portal. Nawala diumano ang lead niya sa isang episode ng MMK (Maalaala Mo Kaya) in Toronto, Canada.

Gaano katotoo na nakainom daw ito rito pa lamang sa airport, pati sa Hong Kong din daw kung kaya ayaw itong isakay ng captain and crew. Pagdating nito sa Toronto, uminom pa rin kaya pinauwi na lang. Si Tom Rodriguez na ang naging lead.

Bukas ang panig ni Baron at ng kanyang manager para sa ikalilinaw ng isyu.

***

KINIKILIG ang mga fans nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson sa mga sagot ng kanilang idolo sa presscon ng I Won’t Last a Day Without You ng Star Cinema at Viva Films.

Napansin ng press ang paghawak-hawak ni Sarah sa braso at hita ni Gerald during the presscon at katwiran naman ng Pop Star, talaga lang sigurong ganito na siya kakomportable sa kapareha.

Sa naturang pelikula ay may eksenang natapunan ng tubig ni Sarah si Gerald sa tiyan at naghubad ang young actor kaya natanong ang singer/actress kung hindi ba siya nailang.

“Nailang, siyempre po. Kasi hindi naman normal sa akin na nakakakita ng…(hubad na lalaki). I mean, nakakakita naman po ako pero hindi ‘yung up close na up close, so siyempre, naiilang ako, pero nagamit naman po sa eksena,” say ni Sarah.

Nailang ba siya dahil pangit ang katawan ni Gerald o nagandahan siya?

Nang una ay hindi makasagot si Sarah kaya nang sabihin sa kanyang ‘promo-promo,’ say niya agad, “siyempre, maganda naman talaga ang katawan ni Ge (tawag niya kay Gerald),” at nagtilian na ang mga fans.

Hindi naman siya nag-init o nabwisit?

“Nahilo ako. Eh hindi kasi nga, hindi ako sanay ng ganu’n. Ewan ko, nahilo lang ako.”

Ilang packs ba ‘yung nakita niya?

“Ilang packs? Actually, hindi ko natitigan dahil hindi ko po talaga kinakayang titigan,” say ni Sarah.

Natanong si Sarah kung sakali bang manligaw si Gerald ay ano ang chances ng young actor.

“Kasi po, si Gerald, obvious naman na napaka-good looking niya. Pero nang makilala ko siya sa set, parang mayroon pa palang iba ru’n sa good looks na ‘yun, nakita ko ‘yung good heart niya, ‘yung pagiging warm niya at pagiging appreciative sa mga supporters, talagang ang lambing-lambing niya. So, ‘yun ‘yung mga discoveries ko sa kanya na hindi ko akalaing ganu’n siya, kasi ‘yung mga ibang nakakatrabaho ko na male actors, hindi ganu’n, eh. Parang sa kanya ko nakita ‘yun, so nakakatuwa.”

Pero idinagdag niyang nandito raw siya para magtrabaho at kung tatanungin siya, ayaw daw muna niyang i-entertain ang ligawan. Inamin niyang takot pa raw siyang umibig muli at naniniwala raw siyang darating din ‘yan sa tamang panahon.

Sa bandang huli, nag-iwan ng isang malalim na mensahe o statement si Sarah hinggil sa kanyang saloobin tungkol sa pag-ibig.

“Basta ako po, pinagdadasal ko talaga, kung sino ‘yung. . .(mamahalin ulit), sana hindi ko na pagdaanan, sabi ko nga, noon, gumawa talaga ako ng paraan para ipaglaban, eh.

“Sabi ko, the next time I’ll fall in love, I will make sure na mag-uumpisa sa kanya na ipaglalaban niya ako, hindi ‘yung ako lang, ‘yung akong babae lang ang naglalaban ng relasyon.

“Kailangang patunayan ko muna sa sarili ko na, ‘ay itong taong ito, kayang harapin ang mga magulang ko, kaya akong ipaglaban talaga, mahal talaga ako ng taong ito, hindi lang parang magka-text kami, or ganu’n.

“Kailangan ko na po sigurong maging maingat, ‘yun yung isang natutunan ko,” sambit ni Sarah na halatang na-trauma sa nakaraang lovelife niya.

Palabas na ang pelikula sa Nov. 30 mula sa direksyon ni Raz dela Torres. Kasama rin sa movie sina Joey de Leon, John Lapus, Martin del Rosario and Young JV.

***

PUMALPAK ang mga delegado ng 22nd Ad Congress nang pumasok si Korina Sanchez na siyang naatasang mag-interview kay Atty. Felipe Gozon. First time itong mangyari na magkaharap ang CEO ng GMA-7 at top broadcast journalist na si Sanchez para sa isang one-on-one interview. Sinabi ni Gozon kay Korina “mas popular ka pa sa kin.”

Ang galing magtanong ni Sanchez kaya naman tuwang-tuwa ang audience sa balitaktakan ng dalawa. Nang tanuning ni Sanchez kung anong masasabi ni Gozon sa pamimirata, sinabi nitong hindi siya naniniwala dito dahil naitaguyod naman nila ang kanilang network ng hindi umasa sa mga artistang napirata. Mabilis na sinabi ni Sanchez “Pag may nalaman kaming pinipirata, isusumbong po namin sa inyo.” Sabi naman ni Gozon “Oo.” At nabuhay ang mga audience na nagpalakpakan dahil natuwa dito.

Kulang naman ng buhay at tila naubusan ng itatanong sina Mike Enriquez na na-assign kay MVP at Luchi Cruz na nagtanong kay Lopez.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply