Basurero sinuwag ng rumagasang kotse

NASAWI ang isang basurero makaraang suwagin ng isang rumaragasang kotse habang tumatawid sa Quezon City kaninang madaling araw.

Base sa  report ni P/Chief Insp. Maximo Sabio, hepe ng Quezon City District Traffic Enforcement Traffic Sector 5, kinilala ang biktima na si Richard Estelloso, nasa  hustong gulang at naninirahan sa Sitio 1, Barangay Bagong Bayan, Sta. Cruz, Manila.

Si Estelloso ay binawian ng buhay matapos isugod sa Fairview General Hospital dahil sa tinamong matinding pinsala ng katawan at pagkabagok ng kanyang ulo.

Kusa namang sumuko at nakapiit ngayon sa detention cell ng nasabing himpilan ng trapiko ang suspek na si Jesus Mario Gagasa, 27, binata, call center employee, driver ng Honda Civic (ZFD–659) ng No.14 Corvette St.,West Fairview, Quezon City.

Nabatid sa imbestigasyon ni SPO2 Gary Talacay, may hawak ng kaso, na tinatahak ng kotse ni Gagasa ang kahabaan ng Comonwealth Ave. patungo sa direksiyon ng Regalado Avenue. Pagsapit sa may Camaro street ay basta na lamang umanong tumawid ang biktima na dahilan para masagasaan siya at tumilapon ng halos limang metro.

Nahaharap ang suspek sa kasong reckless imprudence  resulting to  homicide  sa Quezon City Prosecutors Office. Santi Celario

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply