Bata namatay dahil sa meningococcemia

KINUMPIRMA ngayon ng Department of Health (DOH) Central Visayas na meningococcemia ang ikinamatay ng dalawang taong gulang na bata sa lungsod ng Mandaue.

Ayon kay DOH-7 Regional Director Dr. Susana Madarietta nakumpirma nila ito base sa laboratory examination at analysis sa kaniyang blood sample.

Ngunit nilinaw ni Madarietta na walang dapat na ipangamba ang publiko dahil itinuturing na isolated lang ang kaso.

Ayon kay Madarietta, bawat taon ay may naitala ang DOH-7 na tatlo hanggang limang kaso ng meningococcemia sa rehiyon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply