Batang kalye na-hit-and-run sa QC

INOOBSERBAHAN ngayon sa ospital ang kalagayan ng isang batang lalaki matapos mahagip ng humaharurot ng van sa Quezon City kaninang madaling araw.

Nakaratay ngayon sa Quezon City Memorial Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktima na nakilala lamang na RJ, 12-anyos, walang tiyak na tirahan.

Inaalam pa ng pulisya kung mayroong nakakabit na CCTV camera sa lugar ng pinangyarihan upang matukoy ang itsura ng drayber ng naturang van.

Sa ulat ng Quezon City Police Traffic Office, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling araw sa kanto ng Boni Serrano at Santolan Road.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), bago ang insidente ay katatapos lamang ng biktima at tatlo pang kasamahan na mamasura sa lugar.

Tumawid aniya ang apat sa naturang kalsada nang biglang sumulpot sa kanilang harapan ang van. “Matulin po yung van, hindi huminto kulay blue,” pahayag ng isa sa mga kaibigan ni RJ na si Carlo.

Tumulong naman ang ilan sa mga nakasaksi pero hinintay na lamag nila ang lehitimong rescue team para hindi lumalala ang kondsiyon ng biktima.

“Ayon sa barangay, may CCTV daw dito so, maaari nating makita kung sino yung suspect,” pahayag ni Police Officer 2 Bryan Geollegue ng Highway Patrol Group.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply