Batang ‘slow learner’ posibleng may problema sa pandinig

INIHAYAG ng Department of Education (DepEd) na hindi lahat ng batang mahina ang performance sa loob ng silid aralan ay  “slow learner” sapagkat maaaring ang mga ito ay may problema sa pandinig na nais nilang mabigyan ng solusyon.

Sinabi ni DepEd Secretary  Bro. Armin Luistro, bibigyan nila  ng solusyon ang problema kasunod ng national observance sa Deaf Awareness Week na magsisimula bukas, Nobyembre 10  hanggang Nobyembre 15.

Sinabi pa ni Luistro na dapat matukoy kaagad ng mga magulang at ng mga guro kung may problema sa pandinig o pagkabingi ang isang bata upang matulungan ang mga ito.

Ayon sa kalihim, dito pumapasok ang ultimate goal ng special education program ng DepEd para matutukan ang mga batang may special needs.

“The ultimate goal of DepEd’s special education program is the integration of learners with special needs into the regular school system and eventually into the community,” ani Luistro.

Ipinaliwanag ni Luistro na ang hearing impairment ay hindi lamang tungkol sa hirap na makarinig dahil kaakibat din nito ang emotional problems sa mga bata sa socialization at nahihirapan din silang matuto, kaya’t dapat itong kaagad na bigyang-pansin.

“The deaf awareness week also aims to enhance significant public awareness on the prevention, early detection, intervention, rehabilitation and education of people with hearing impairment,” ayon pa sa kalihim.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply