Batas kontra manehong lasing

NITONG nakaraang Sabado at Linggo ay pinarangalan ang bansa ng pagdating ng isa sa pinakamabilis na tao kapag sakay ng kotse. Si Mika Hakkinen o tinaguriang “Flying Finn”, ang natatanging driver sa Formula One na kinatatakutan ng legendary driver na si Michael Schumacher.

Daring, bold, aggressive, extremely fast. Ilan lamang ito sa mga katangiang nagdala kay Hakkinen sa tugatog ng tagumpay sa pinakamabilis na karera ng kotse sa buong mundo.

Subalit sa karurukan ng kanyang tagumpay, nang makamtan niya ang ikalawa niyang world championship trophy, negretiro si Hakkinen. Nawala sa eksena ng karera at naglagay ng malaking tanong sa utak ng mga tagahanga niya: Bakit nag-quit si Hakkinen sa tuktok ng kanyang laro?

Nang magbalik sa limelight si Hakkinen, iba na ang tono niya. Isa na siyang Ambassador for Safety Driving at ngayon ay siyang Johnnie Walker Designated Driver Representative.

Ang Designated Driver ay isang batas sa modernong mga bansa, kung saan isa lagi sa kasama sa grupo ang hindi puwedeng uminom para siya ang magmamaneho para sa lahat ng kanyang kasama. Ang pakay ng designated driver law ay siguraduhing ligtas ang lahat ng nasa lansangan mula sa mga lasing at wala sa wisyong mga driver.

Nakalulungkot na walang ganitong batas sa Pilipinas. Sa taong 2010 lamang ay humigit kumulang sa 7,000 casualties ang napahamak sa mga lasing na nagmamaneho sa lansangan. 95% ng mga insidenteng ito ay nagaganap mula 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga.

Ikinabigla ni Hakkinen ang sitwasyong ito sa Pilipinas. Nabighani ang driver mula sa Finland sa nakita niyang ganda ng Pinas, ngunit nakalulungkot umano na ang pinakadelikadong kumalawit ng buhay sa buong mundo ay walang batas ang Pinas para kontrahin ito.

Ayon kay Hakkinen, sa loob na lamang ng race circuit ay makikita mo na ang horror ng isang aksidente, kapag humampas ang bakal ng kotse sa laman ng tao sa isang matulin na paraan, lalo na, ika niya sa sitwasyong walang control  at libre  ang  lahat tulad ng isang pampublikong highway.

‘Yan din ang punto natin. Mas mataas pa ang prayoridad ng pamahalaan kung papayagang magpagamot si Gloria Arroyo sa ibang bansa kesa sa pagpasa ng batas upang gawing ligtas ang ating mga lansangan.

Hindi ba nakahihiyang isipin na isang gumagawa pa ng produktong alak ang nagpapasimuno ng kampanya laban sa drunken driving? Na ang Johnnie Walker pa ang nagdala sa isang sikat na race driver para ipamulat sa atin ang katotohanang ito? Kelan kaya natin makikita ang delikadong sitwasyong ito? Pag ang mahal sa buhay na natin ang nabiktima ng isang nagmamanehong lasenggo?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply