Batas vs ‘kaliweteng’ mister umuusad na

MALAPIT nang maisabatas ang isang panukala sa Senado na naglalayong parusahan ang sinumang mister na mapatutunayang nangangaliwa sa kanilang misis matapos magbuo ng isang technical working group (TWG) na siyang susuri at hihimay sa batas.

Ipinasalang na ngayon ni Sen. Pia Cayetano, chair ng Senate committee on youth, women and family relations, sa technical working group (TWG) ang magkakahintulad na Senate Bill No. 1296 ni Sen. Manny Villar, SB No. 1933 ni Sen. Miriam Defensor Santiago at SB No. 2015 ni Sen. Edgardo Angara na parehong naglalayong maging patas ang batas ukol sa nangangaliwang mister o misis.

Ipinaliwanag ni Sen. Villar sa kanyang panukala na sa kasalukuyan, argrabyado ang mga misis sa kanilang mister dahil sa napakahirap na mga kondisyones para makasuhan ang nangangaliwa nilang asawa.

Ani Villar, napakabigat din ng parusang naghihintay sa mga nangangaliwang misis kumpara sa nangangaliwang mister.

Aniya, bagamat binago na ng Family Code ang adultery para sa kababaihan at concubinage para sa kalalakihan upang maging ‘sexual infidelity at maging isa sa ground sa paghihiwalay ng mag-asawa, nananatili pa rin ang hindi patas na trato sa mga misis at mister.

“Long after the passage of the Family Code in 1987, the Revised Penal Code has yet to remove the distinction between adultery and concubinage as felonies, thus perpetuating the disadvantaged position of the wife, who is penalized with a heavier penalty than the husband, and whose single act of infidelity consummates the offense. This is a different in the case of the husband, who marital indiscretion is not treated as a felony unless attended by the circumstances enumerated in article 334,”paliwanag sa panukala ni Villar.

Sa ilalim ng Article 334 ng Revised Penal Code, ang isang mister ay maaari lamang makasuhan alinman sa tatlong ipinagbabawal na gawain tulad ng pagsasama ng kabit sa bahay ng mag-asawa, ang pakikipagtalik sa isang babae sa ilalim ng ‘scandalous circumstances,’ at kung iginarahe o ibinahay na nito ang kanyang kabit.

Isinama na rin ni Cayetano sa pagtalakay ng TWG ang Senate Bill No. 1294 ni Villar na naglalayon namang burahin ang batas na kailangang maghintay ng 301 araw ang isang biyuda para makapag-asawa muli at ang dating mag-asawa na napawalang-bisa na ang kasal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply