Bautista pormal nang uupo bilang bagong PA chief

PORMAL nang uupo sa puwesto ang bagong hepe ng Philippine Army ngayong araw na ito.

Kinumpirma ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte ang appointment ni Major General Emmanuel Bautista bilang bagong Army Chief.

Ayon kay Valte, naniniwala si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na maipagpapatuloy ni Bautista ang mga repormang nasimulan sa Philippine Army para aniya lumakas ang puwersa nito sa pagpapanatili ng kapayapaan.

Sinabi ni Bautista  na malaking karangalan para sa kanya ang mapili ng Presidente para sa nasabing posisyon.

Tiniyak nito na gagawin niya ang lahat para mapabuti pa ang hanay ng mga sundalo na kanyang pamumunuan o transformation ng Philippine Army.

Ilan sa mga plano ni Bautista ay ang pagtutok sa rigid training ng mga sundalo sa ilalim ng capability and development modernization program.

At pagpapaibayo sa panuntunan sa internal peace and security plan o Oplan Bayanihan.

Tiniyak din ni Bautista na itutuloy ang mga nakalatag ng reporma sa hanay ng hukbong katihan na nasimulan ni Ortiz.

“Whatever the policy of government, we will carry out. We are implementers of policy,” dagdag pahayag ni Bautista.

Ngayong araw pangungunahan ng Pangulong Aquino ang gagawing turnover ceremony sa Camp Aguinaldo para sa bagong uupong hepe ng 80,000-strong Filipino soldiers.

Si Bautista ay miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1981 at siya rin ay nagtapos ng Joint & Combined Warfighting Course sa Joint Forces Staff College, Virginia, USA; Grade II Staff and Tactics
Course sa New Zealand at mayroon din siyang Masters Degree in Business Administration mula sa University of the Philippines, Diliman.

Ang ama nito na si dating Brig. General Teodulfo Bautista ay napatay ng mga Moro rebels sa Sulu noong 1977. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply