Bayan sasalubungin ng protesta si Clinton

SASALUBUNGIN ng kilos protesta ng grupong Bayan ang pagdating sa bansa ni US Secretary Of State Hilary Clinton sa Martes.

Ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes Jr., walang dahilan para ipagdiwang ang 60th Mutual Defense Treaty ng Pilipinas at Amerika na rason ng pagbisita ni Clinton.

Iginiit pa ni Reyes na maliban sa pagtutol sa Mutual Defense Treaty ay dapat na ring ibasura ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Naniniwala si Reyes na hindi naman umano nakikinabang ang Pilipinas sa naturang mga kasunduan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply