Bea Alonzo dating bikini open girl

TRUE kaya, dating bikini open girl si Bea Alonzo?

May isa kasing agent ng mga konteserang talent para sa mga beauty pageants at mga bikini open ang nagsalitang naging agent daw siya ni Bea Alonzo. Kung yun ang pagbabasehan, puwede ngang at one time ay naging kontesera nga si Bea Alonzo.

Noon naman, isang ngayon ay laos ng male starlet ang nagkuwentong dati lang niyang fan si Bea Alonzo. Sa kasusunod nito sa kanya, medyo napansin siya ng manager niyang Itnsik at ginawa ngang artista si Bea. Suwerte naman daw na nangangailangan ng bagong talent noon ang ABS-CBN, ayun nga napasok si Bea. At dahil nga maganda at nasubukang mahusay namang umarte, sumikat si Bea and in fact nilampasan pa siya nito. Take note, di na namin babanggtin ang pangalan ng actor dahil kung sakali, matatawa lang kayo, nanatili lang starlet ito hanggang sa mawindang na ang kanyang career.

And Bea, aminin naman kaya niya ang pinanggalingan niya?

Hindi kaya lagyan niya ng maraming twists and turns sakaling tanungin siya?

And speaking of bikini opens, successful ang Mr. & Miss Asia-Pacific Bikini Summit na na idinaos na noong November 15 sa Metro Bar.

Naging grand winners sina Rook Dilla ng Baguio City at si Myka Lacson ng Pampanga.

***

KUNG virgin pa sa girls, virgin pa rin kaya mga bekimon si Derrick Monasterio?

Dami na talaga ng mga fans ni Derrick Moansterio. Paborito siya ng maraming kabataan because he typifies the young people of today.

We had a chance to talk to Derrick na talaga namang pinag-enjoy niya kami nang husto dahil sa husay niyang um-entertain ng press.

Hindi nga siya boring kausap.

Wala kasing kiyemeng sumagot ang young actor sa tanong tungkol sa kanyang personal na buhay.

Sa tanong namin kay Derrick kung ano ang reaction niya sa sinabi ni Sarah Lahbati na puwede siyang maging dyowa ng aktres sa takdang panahon, walang gatol na sagot ng binata: “Lumundag ako sa tuwa,. Bukod pa kung kami’y magka-karelasyon ni Sarah, siya ang first girlfriend ko.”

“Sa school naman, panay biruan lang kami ng mga kaklase ko. Kasi mas priority ko ang future ko kesa makipag-girlfriend.
Inaasikaso ko ang pag-aaral ko at nasa top ako ng klase noon.

“Ngayong nasa showbiz ako, dahil 16 lang ako, hindi pa ako seryoso sa pakikipag-relasyon. Career muna dahil bata pa naman ako at may gusto akong marating. Kaya, sa nagtatanong na virgin pa ako, totoong virgin pa ako,” kuwento pa ni Derrick.

Kung virgin pa sa babae, virgin pa rin kaya sa bading si Derrick Monasterio?

***

Geneva Cruz masama ang ugali

MOST hated, excuse the term, ng mga castaways na kasamahan niya sa Survivor Philippines at maging sa audience. Kaya nga nang mag-backout ito, welcome na welcome lang dahil kung magtatagal pa ng isang episode ang presence ni Geneva sa show, baka ma-zero na’ng rating ng show.

Bukod kasi sa napaka-arte ni Geneva at panay ang reklamo, siya ang na-single out na gaya na nga ng nasabi na namin, kinaaasaran ng Survivor castaways. Ayon na rin sa ibang castaways, Geneva nga raw ang huling tao na nanaisin mong makasama sa island at maging sa araw-araw na pamumuhay, sobrang sama raw talaga ng ugali nito.

Now that Geneva is gone, naiwan si KC sa isla na walang ka-tandem. In fact, sa pagpapatuloy ng show, ayan, si KC ay well-liked ng mga kasamahan niya, kasi nakita nila ang kabaitan nito.

Contrast na contrast ang ugali nila ni Geneva and people now wonder kung paano nagtagal sila bilang couple.

Marami pa tayong aabangan at madiskubre habang umeere ang show.

Sino kaya sa mga castaways ang mamahalin ng audience? Sino naman ang mabubuking na gaya ni Geneva ay madidisukbre din ang kasamaan ng ugali?

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply