Bea Alonzo, Edu Manzano susunod kay Sharon Cuneta sa TV5? (Sumunod din kaya sina KC at Piolo?)

PUMIRMA si Megastar Sharon Cuneta ng five-year contract sa TV5.

Naganap ang masaya at puno ng kuwentuhang pirmahan sa Meralco Building sa Taguig City noong Martes. Kasama ni Mega ang business manager niyang si Boss Vic del Rosa-rio at mga bossing ng TV5 sa pangunguna ni Manny ‘MVP’ Pangilinan.

Kaya nga ang naging usap-usapan, buo ang desisyon ni Mega dahil mas nagustuhan daw nito ang alok ng TV5 kaya napirmahan nito ang kontratang aabot umano sa bilyong piso para sa limang taon.

Talk show, teleserye at movies ang mga proyektong nakalatag para kay Sharon na gagawin umanong Pinoy version ni Oprah Winfrey sa mundo ng telebisyon.

How true that Bea Alonzo and Edu Mnazno ang kasunod na pipirma ng kontrata sa TV5?

Ayon sa isang source, inalok daw si Bea ng TV5 ng kontratang aabot sa P75 million. Sa ngayon daw kasi, bale P40 million lang ang nakukuha ni Bea sa ABS-CBN kaya kuma- gat siya sa alok na halos doble ang halaga.

So far, malaki rin daw ang ibibigay ng TV5 kay Edu Manzano who is slated to sign a contract to do some game shows sa Kapatid Network.

Mukhang hindi talaga titigl ang TV5 sa pamimirata ng mga malaking artista hangga’t di nila nakukuha ang lahat ng importante sa entertainment industry.

True nga pala yung kamuntik na nilang mapapirma si John Lloyd Cruz ng malaking kontrata sa kanilang network.

Who could be their next target?

Piolo Pascual? KC Concepcion?

Posible, hindi po ba? Kung nasaan siyempre si Mega, andun din ang kanyang hilaw na manugang at ang dearest daughter niyang si KC, hindi po ba?

***

Iniwan na si Kuya Germs???: Nora Aunor walang pagpapahalaga sa loyalty

NAKAPAGTATAKA yung komento ng isang lady reporter nung gabi ng 25th Star Awards For Television matapos yung segment ng show na si Kuya Germs ang nag-abot ng tropeo kay Nora Aunor. “Nagplastikan sila sa ibabaw ng stage? Saka sumimangot ang lady scribe na talagang nag-elicit ng pagtataka sa mga kausap niya. Nang tanungin, ayaw nang mag-elaborate nito. Sa halip, nagsabing maghintay na lang kayo, sasabog din naman ang katotohanan,” may kahulugang sabi pa nito.

Kahapon naman, napaka-biting ng komentong nabasa naming nagsasabing walang pagpapahalaga sa loyalty si Guy.
Kumbaga, wala raw itong utang na loob.

Kumawala na raw ito kay Kuya Germs at ibang tao na ang mga kasalamuha niya.

Just like Suzette Ranillo raw, silang dalawa nga ni Kuya Germs ang nag-usap para maibalik siya rito sa Pilipinas, ayan at pareho na silang binalewala ni Guy.

If true, tiyak ngang pagpipistahan ito sa nalalapit na panahon.

Abangan!

***

Piolo Pascual, KC Concepcion nag-iwasan sa Star Awards For TV

IISA ang puna ng lahat ng press na na nasa Resorts World kung saan ginanap ang 25th Star Awards For Televison habang inoobserbahan ang mga kilos nina Piolo at KC — halatang nag-iiwasan ang dalawa.

Si Piolo, isa sa hosts ng awards night along with Richard Gomez, Dawn Zulueta and Shamcey. Kadalasan, nasa back stage lang siya.

Si KC naman, may production number kasama sina Toni at Erik Santos at kapansin-pansin na habang ongoing ang number ng tatlo, pumasok si Papa P (Piolo) sa dressing room at lumabas lang nang tapos na ito.

Kapag nasa backstage sila pareho, nasa magkabilang dulo sila at hindi sila nakitang nag-usap o nagbatian man lang.

Parang pinagtiyap ng pagkakataon, si Piolo Pascual ang tinanghal na male face of the night at si KC Concepcion naman ang female face of the night.

Maging si Angel Aquino na siyang presenter sa nasabing mga kategorya, natawa nang magkasunod na basahin ang names ng dalawa.

Naunang tinawag si Piolo at hindi sila nagkita sa stage. Nang si KC na ang nasa stage, sinabi niyang, “Yes, what a coincidence.”

Dapat ay kasama ni Luis ang girlfriend na si Jennylyn Mercado, pero dahil hindi pa magaling ang aktres, hindi ito nakasama at sa halip, si Billy Crawford ang lagi niyang kasama nang gabing iyon lalo pa nga’t sila ang itinanghal na best talent search program host for Pilipinas Got Talent.

Late namang dumating si Greta at halos iilan na lang kategorya ang natitira in time para maabutan niya ang best drama actress kung saan siya nominado at nanalo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply