Bebot nadaganan ng balsa, nalunod, todas

PATAY sa pagkalunod ang isang 30-taong gulang na babae makaraang tumaob ang balsa na kanyang sinasakayan habang tumatawid sa ilog sa lalawigan ng Aklan, ayon sa ulat ng pulisya ngayon.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Mary Jane Dalumpines ng Barangay Dalagsaan sa bayan ng Libacao, Aklan.

Base sa report, sakay ng balsa ang biktima galing sa kanilang barangay at patungo sana ng bayan at binabaybay ang Aklan River.

Hindi namalayan ng biktima na sumabit sa isang naka-usling kahoy ang balsa.

Pagkatapos ay bumangga pa ito sa isa pang balsa na naging dahilan para tumaob.

Pumailalim ang biktima sa balsa hanggang sa malunod at tuluyang malagutan ng hininga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply