Bebot pinatay, isinilid sa drum sa Quiapo

ISINILID sa drum saka ipinaanod sa ilog Pasig ang bangkay ng isang babae kaninang umaga sa Palanca St., Quiapo, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO3 Dennis Javier, ng Manila Police District-homicide section, alas 8:30 ng umaga nang matagpuan ang drum na kinalalagyan ng bangkay ng biktimang si Milabel Bayya, 28, dalaga, ng 616 Aranga St. Sampaloc, Maynila.

Huling nakitang buhay ang biktima, alas-3 ng hapon noong Nobyembre 9, ng kanyang kapatid na si Ana habang naglalakad sa kahabaan ng Aranga papunta sa hindi malamang destinasyon.

Hinala ni Javier na may apat na araw nang patay ang biktima, dahil naaganas na ang bangkay nito nang matagpuan.

Posibleng namatay sa “suffocation” ang biktima sa loob ng drum.

Wala namang nakitang anumang sugat sa katawan ng biktima tanda na pinahirapan ito bago pinatay at isinilid sa drum.

Base sa impormasyon, naaresto ang biktima noong nakalipasa na buwan dahil sa pagkakasangkot sa bentahan ng illegal drugs.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply