Bebot pinatay sa loob ng klinika ng 4 kelot

ISANG klinika ang nilooban ng mga hindi pa nakikilalang suspek at walang-awang pinaslang ang isang babaeng empleyado nito, sa bayan ng Lingayen, lalawigan ng Pangasinan, ayon sa ulat ng pulisya ngayon.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Maria Olanday, 21-anyos, dalaga, secretary ng Honrado de Vera Clinic na pag-aari ni Dr. Michael de Vera sa Avenida Rizal St., East Poblacion at residente ng Barangay Tonton sa nabanggit na bayan.

Sa sinagawang imbestigasyon ng Lingayen PNP nadiskubre ang krimen bandang ala-una ng hapon ng dumating ang ama ng may-ari ng klinika na si Luis Honrado, upang bisitahin sana sa klinika ang anak.

Subalit laking panghihilakbot nito puro bakas lamang ng dugo ang nakita sa magulong loob ng klinika.

Mabilis na tumawag ng mga pulis si Luis at ng dumating ay puwersahang binuksan ang nakasarang banyo kung saan tumambad sa kanilang mga mata ang duguang katawan ng biktima.

Sinubukan pang itakbo sa pagamutan si Olanday pero idineklarang dead on arrival ng mga manggagamot.

Ang dalawang tama ng saksak sa dibdib ng biktima ang sinasabing naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

Pagnanakaw ang hinalang motibo sa likod ng krimen dahil nawawala ang cellphone ng babae  at imposibleng iisa lang ang gumawa ng krimen.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga awtoridad at mayroon na rin silang hawak na testigo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply