Bentahan ng mga sasakyan, lagapak!

MANILA, PHILIPPINES— Mas mababa ang naging bentahan ng sasakyan ngayong taong ito kumpara noong nakaraang taon, ayon sa mga eksperto sa industriya.

Kung ikukumpara sa car sales noong isang taon kung saan 141,214 na yunit ng mga sasakyan ang nabenta pamula Enero hanggang Oktubre, 138,092 na yunit lamang ng mga sasakyan ang nabenta ng mga car manufacturer ngayong 2011, sa loob rin ng sampung buwan. Ibig sabihin nito ay bumagsak ng 2.2% ang pinagsamang car sales ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI) at Association of Vehicle Importers and Distributors (AVID), na kapwa mga samahan ng mga car companies sa bansa.

Ayon din sa mga eksperto, maaaring umabot pa sa 2.5% ang ibababa ng bentahan bago matapos ang taon dahilan na rin sa patuloy na kakulangan sa mga supply ng sasakyan at maging ng mga kinakailangan upang makabuo nito.

Nagsimulang maantala ang supply chain ng mga sasakyan matapos ang trahedya’ng sinapit ng Japan noong nakaraang Marso, at pinalala pa ito ng matinding baha’ng sumalanta sa ilang bahagi ng Thailand kamakailan lamang. Ang Japan at Thailand ay ang mga pangunahing pinagkukunan ng mga supply ng mga major car manufacturer sa Asya.

Tanging ang bentahan lamang ng mga truck ang nanatiling matatag ngayong taong ito. Kabig naman ng isang eksperto, nagmistulang tumaas lamang ang truck sales dahil sa all-out sale na isinagawa ng Mitsubishi Motor Philippines Corp. (MMPC) at ng Isuzu Philippines Corp. sa kanilang mga Euro-1 models noong unang bahagi ng taon, na kahit papaano ay nakadagdag sa sales record ng mga truck.

Kahit papaano’y maganda rin ang ipinapakitang sales ng mga pampasaherong sasakyan lalo na ang Toyota Vios at ang Honda City; at hindi rin naman nakasama ang pagpasok ng mga bagong modelo gaya ng Hyundai Accent at Ford Fiesta sa overall record ng passenger cars.

Nananatili ring matatag ang sales ng Toyota Altis, na isang compact car, at ang iba pang 1300cc at 1600cc na mga sasakyan.

Gayunpaman, bumagsak ang benta ng 2-liter Altis, at maging ang iba pang 2-liter compact cars, gaya ng Honda Civic at Lancer EX, dahilan na rin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.

Sa kabila ng kinasangkutang kontrobersiya ng Montero Sport ilang buwan na ang nakalilipas kung saan diumano’y kusang bumibilis ang sasakyan nang wala namang ginagawa ang drayber, nanatiling matatag ang bentahan ng nasabing modelo at maging ng iba pang mga 4×2 wagon.

Kabaligtaran naman ng dami ng nag-kokomyut na Filipino araw-araw ang bilang ng mga nabenta’ng LCVs o Light Commercial Vehicles ngayong taong ito. Kabilang sa LCVs ang mga van na para sa maramihang pasahero, mga multi-purpose van, utility vehicles, at mga sasakyang ginagamit pang-taxi.

Tanging ang mga Pick-up at mga modelo’ng nahahanay sa Sport Tourers lamang ang tumaas ang benta sa merkado ng LCVs.

Bagamat hindi maganda ang kabuuang sitwasyon sa car manufacturing industry, ilan sa mga kompanya ang may patuloy na tumataas na retail sales. Ayon sa Ford Philippines, noong Oktubre lamang ay nakabenta sila ng sumatotal na 834 na yunit ng mga sasakyan, at malaking bahagi nito ay dahil sa kanilang best-selling model na Ford Fiesta.

Sabi naman ng Mitsubishi Philippines, malakas ang loob nilang tataas pa ang kanilang market share pamula 19.1% noong isang taon at magiging 20.5% bago matapos ang 2011. Sa tantiya ng Mitsubishi, aabot sa sumatotal na 32,950 yunit ng mga sasakyan ang mabebenta nila sa taong ito.

Samantala, nananatili pa rin ang Toyota, Mitsubushi at Hyundai bilang top 3 carmakers sa bansa. Nangunguna ang Toyota Motor Philippines Corp., na mayroong 32.8% market share, pangalawa ang Mitsubishi Motors Philippines Inc., na may 19.7% market share, at pangatlo ang Hyundai Asia Resources Inc., (HARI) na may 11.9% market share.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply